 | Sapagkat - | Apr 19, 2007 |
Hindi madaling mabuhay ng gising at mulat. Sapagkat ang bawat pagtitig ay pagkasilaw, pagkapuwing - pagkabulag ngunit muling pagmulat sa mas malinaw, sa mas maliwanag. Ang bawat paghakbang ay pagkadapa, pagkasugat ngunit muling pagtayo, pag-usad. Ang bawat pag-usad ay paghihiwalay, paglayo pagkaligaw, pagkabigo - paghinto pagbabalik, pagtatagpo.

| |
|